December 24, 2024

JAPETH AGUILAR AT ADRIAN WONG, PINAGMULTA NG P20K DAHIL SA PAGLABAG SA GCQ PROTOCOLS

Pinagmulta ng tig-Php20, 000 sina PBA cagers Japeth Aguilar ng Brgy. Gin Kings at Adrian Wong ng Rain or Shine Elastopainters dahil sa kanilang paglabag sa GCQ protocols. Bujod dito, sinabihan din sila ng PBA Commissioner’s Office na sumailalim sa swab tests at 30 oras na community service.

Ang pagdidisiplina kina Aguilar at Wong ay ipinataw buhat nang kumalat ang isang video sa social media; kung saan makikitang kasama sila sa naglalaro ng five-on-five game sa Ronac Gym sa San Juan City noong nakaraang Miyerkules.

Kaya naman, nagisa sila ng kinauukulan dahil malinaw na nilabag nila ang alituntunin ng IATF na nagbabawal ng paglalaro ng five-on-five basketball habang nasa ilalim ng modified community quarantine ang nasabing lugar. Bukod sa dalawa, kasama rin sa laro sina Kobe Paras, Japan-bound Thirdy Ravena at Isaac Go.

“Yung kay Japeth at si Wong pinatawag ko pero si Isaac technically nasa atin pa rin. Sabi ko kay Isaac, hindi kita papatawag pero inadvisan ko siya na mag-ingat at huwag ka muna maglaro ng five-on-five o scrimmages hanggang wala pang go-signal ang Task Force,” pahayag ni  PBA commissioner Willie Marcial.

 “Dapat kasi maging modelo din sila lalo na sa kabataan,” dagdag pa ni PBA Comm. Marcial.

Kaugnay sa pagkakasama sa scrimmage, humingi ng paumanhin si Go na nilambat ng Columbian Dyip noong nakaraang PBA Draft. Pero, nakatutok sa Gilas program.

Humingi rin ng paumanhin si Ravena sa nangyari at sa kanyang pag-iimbita sa mga players na magsagawa ng scrimmage.