November 15, 2024

JAPANESE MAN NA SANGKOT SA BOMB THREATS PINAIIMBESTIGAHAN NG BI CHIEF

Sinimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang imbestigasyon sa sinasabing Japanese national na isinasangkot na nasa likod ng pagpapadala ng bomb threats sa ilang ahensya ng pamahalaan.

about:blank Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na iniutos na nito ang masusing imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng nasabing Japanese national.

Una nang nakatanggap ng bomb threat ang ilang ahensya ng pamahalaan kahapon sa pamamagitan ng email mula sa isang nakilalang si Takahiro Karasawa.

Kabilang ang gusali ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Transportation (DOTr).

Sa nasabing email, sinasabing may magaganap na malakas na pagsabog sa pangunahing ahensya ng pamahalaan noong Pebrero 12, ganap na alas-3:34 ng hapon.

Ngunit walang naitalang anumang insidente subalit nakipagtulungan ang BI sa National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) para matukoy kung nasa bansa ang suspek.

“We will also be verifying if this is his real identity, or if he is a prankster using a fictitious name,” sabi ni Tangsingco.

Nagbabala si Tansingco na agad nilang maipapatupad ang hold orders, blacklist orders, o arrest warrant na inilabas laban sa suspek.

“The national government is not taking this lightly. Any security threat shall be met with the harshest penalties of the law,” ayon sa BI chief.

Sinabi ni Tansingco na sa pagsusuri sa kanilang database ay nakita na hindi bababa sa apat na kapangalan ang naturang Japanese national na pawang wala sa bansa.

Nabatid na maliban sa Pilipinas ay nakatanggap din ang mga bansang Korea, US, Japan, at Malaysia ng mga bomb threats.