Pormal na nagbayad-galang (courtesy call) si Japanese Ambassador to the Philippines ENDO Kazuya kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. de Leon ngayong Huwebes, Hunyo 18, 2026.
Sa naturang pagkikita, nagpalitan ng pananaw ang dalawang opisyal ukol sa mga kasalukuyan at mga susunod pang inisyatiba na naglalayong mas patatagin ang pagtutulungan ng Japan at Pilipinas.
BASAHIN: Pinsala ng lindol sa Mindanao, binabantayan ng Japan gamit ang space satellites
Naging sentro ng kanilang talakayan ang Fiscal Management, Official Development Assistance o ODA, at Economic Collaboration.
Inihayag ng bansang Japan ang labis na pananabik nito na ipagpatuloy ang malapit na koordinasyon sa DBM upang suportahan ang mga pangunahing prayoridad sa pag-unlad ng Pilipinas.
Inaasahan din ng kapwa panig na mas palalalimin pa nito ang matagal at matatag na kasunduan at pagpapakaisa sa pagitan ng dalawang bansa para sa susunod na mga taon.
