Kinansela ng Japan B. League ang nakatakda sanang pagdaraos ng All-Star Game nito. Ito’y bunsod ng pagsirit ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus doon.
Idaraos sana ang event sa Okinawa Preecture at Okinawa City. Preparado na ang lahat mula sa partner companies at media. Pero, nagpasya silang ihinto ito para di lumama ang sitwasyon. Batid ng liga na dismayado ang fans sa pagkansela ng all-star game.
“I think that many fans are disappointed that it has been canceled for the second consecutive year. I am very sorry,” ani B.League president Shinji Shimada.
Kaugnay dito, nasa 12 players ang isinalang sa health and safety protocol. Dahil dito, naudlot ang paglalaro ng magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena sa Asia All-Stars. Kung saan haharapin sana nila ang B. League Rising Stars.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo