
Nadawit ngayon si Janella Salvador sa kontrobersyal na hiwalayan nina Klea Pineda at Katrice Kierulf matapos ang tatlong taong relasyon.
Sa panayam kay Boy Abunda, inamin ni Klea na “mutual decision” ang kanilang paghihiwalay.
“Hindi na kami nakakatulong sa isa’t isa,” pag-amin ni Klea.
Pero kahit nilinaw niyang walang third party, hindi naniniwala ang fans!
Lumalakas ang bulong-bulungan na si Janella Salvador na ang bagong nilalandi ni Klea matapos silang mapansin na madalas magkasama off-cam. Pareho silang bida sa “Open Endings”, isang LGBTQ+ film na kalahok sa Cinemalaya 2025.
Wala pang direktang pahayag sina Janella at Klea, pero pinagpipiyestahan na ng fans ang bawat galaw nila.
Mas lalo pang lumakas ang hinala ng netizens nang i-like ni Katrice Kierulf ang isang TikTok comment na nagtatanong kung si Janella nga ba ang third party!
Hindi pa diyan natapos—marami pa siyang nilike na posts na nagdudugtong kina Janella at Klea.
Tahimik man siya, pero ang galaw niya, maingay!
May mga nagsasabi na baka promo lang ito para sa pelikula, pero marami rin ang naniniwalang may spark sa likod ng camera. Ang breakup, tahimik. Pero ang intriga, pasabog!
