May 17, 2024

JANE DE LEON, TINULUNGAN ANG NAGVIRAL NA FOOD DELIVERY RIDER NA KASAMA-KASAMA ANG ANAK SA BISIKLETA

Hindi lang sa kanyang fictional heroine role bida ang aktres na si Jane De Leon. Kundi, maging sa totoong buhay. Katunayan, nagpaabot ito ng tulong sa isang food delivery rider na nag-viral sa socmed. Na kasa-kasama ang anak sa kanyang pagdedeliver gamit ang bisikleta. Nakaupo ang anak nito sa isang basket na nasa harap ng bike. kaya, maraming netizen ang naantig sa picture na iyon na nagviral.


Ang rider ay si Hershey Manuel na kinumusta pa ng magandang aktres. Ito’y sa kabila na busy na siya sa kanyang sked. Dahil nagso-shoot na siya sa upcoming series ng ‘Darna’.


Maraming maraming salamat po Darna, Jane de Leon, at sa buong team po nila. Hinding hindi ko po malilimutan ‘to na pinuntahan n’yo pa po kami at kayo po mismo nag-chat sa ‘kin para matulungan kami kahit sobrang busy n’yo po,” ani Hershey.


Pagpalain pa po kayo lalo ng Panginoon para marami pa po kayong matulungan. Maraming maraming maraming salamat po talaga,” dagdag nito.


Dahil sa ginawa ng aktres, kinukuha pa itong ninang sa anak ng rider.