May 17, 2024

JANE DE LEON, EXCITED NA SA PAGLIPAD BILANG ‘DARNA’

Napa-cry-cry si Jane De Leon nang suutin na niya ang ‘Darna’ costume. Tuloy na kasi ang kayang paglipad bilang superheroine sa series na “Darna: The TV Series”. Magsisimula na rin ang taping sa susunod na buwan.


Hindi maipinta ang galak na naramdaman ni Jane. Mapalad kasi siya dahil siya ang napiling gumanap sa Pinay iconic superhero. Derserving naman talaga siya dahil pinaghandaan ni Jane ang role niya para rito.


Nagdiet siya ng todo at nagsanay para sa mga action at fight scenes.
“Kinikilig ako na excited na kinakabahan, sa totoo lang. Iba ‘yung pakiramdam kapag malapit na, kasi malapit na talaga kami magsimula,” ani Jane.