Nagbabanta ang Brooklyn Nets na maging isang super team sa Eastern Conference ng NBA. Ito’y matapos maikasa ang isang trade sa pagitan ng Brooklyn Nets at Houston Rockets.
Ang puntirya, si James Harden ayon sa ulat.
Kung mangyayari, muling makasasama ni Harden ang dating kakampi sa Oklahoma City Thunder. Ito ay sa katauhan ni Kevin Durant.
Makakasama din nito si Kyrie Irving. Ang 31-anyos na si Harden ay naging kakampi ni Durant noon sa Thunder noong 2009-2012.
Ayon pa sa ESPN, isa pa sa ka-deal sa trade ay ang Indiana Pacers at Cleveland Cavaliers.
Kung matutuloy siya sa Brooklyn, mapupunta sa Houston ang multiple players. Gayundin ng draft picks. Kasama rin ang guard na si Caris LeVert.
Kung sa Pacers naman, kasama sa trade si Victor Oladipo. Naging usapan sa locker room ng Rockets ang pag-exit ni Harden. May kumukuwestyon sa attitude nito sa locker room.
“I love this city. I literally have done everything that I can.”
“I mean, this situation is crazy. It’s something that I don’t think can be fixed,” ani Harden.
May sitsit din na kasama sa trade deal ang Miami Heat.
Gayunman, kinumpirma na ng ibang sports news na lumipat na nga si Harden.
May reaksyon naman ang kapwa NBA players sa nangtyaring ito.Kabilang na rito si Golden State Warriors guard Stephen Curry. Gayundin si Lakers superstar LeBron James.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!