Nasipa ni Filipino karateka James De los Santos ang kanyang 50th gold medal mula nang sumali sa e-kata tournaments. Namayagpag si Pinoy e-kata sa nasabing torneo mula nang magkaroon ng pandemya.
Ito’y matapos dominahin ang Katana Intercontinental League #3. Kung saan, tinalo niya si Matias Moreno-Domont ng Switzerland sa finals.
Gayundin sa Kamikaze Karate E-Tournament noong March 30. Gayundin sa second leg ng Athlete’s E-Tournament noong April 6.
Nagapi rin niya ang mga karatekas mula sa France, Norway at United States.Noong nakaraang taon, nakasungkit siya ng 36 gold medal. Ngayong taon naman ay 14 golds ang napanalunan niya.
“More to look forward to! Just enjoy the process, and everything else will follow,” ani De los Santos, 31.
Napanatili rin ni James ang titulo bilang best e-kata athlete na may 24,485 total points. Habang si Moreno-Domont ay nasa second na may 12,915 points.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo