Inilatag ng The Hit List ang listahan ng ‘Top Martial Artists of 2020’. Pararangalan ang mahihirang na artist sa Disyembre 30, 2020.
Ito ang kauna-unahang awards na ibibigay sa pamamagitan ng podcast. Apat na top artists ang kabilang sa nominasyon.
Ang mga ito ay nagtala ng impresibong panalo ngayong taon sa kani-kanilang larangan.
Kabilang sa nominado si Rolando Dy ng DyIncredible Fighting and Fitness Center.
Nasa listahan din si Joshua Pacio ng Team Lakay. Si John Riel Casimero ng MP Promotions. Ang panghuli ay si James De los Santos ng Maharlika Karatedo Kai of the Philippines International.
Kinakailangang makatanggap ng 30 percent ng tabulation ang kabilang sa nominado. Ang magwawagi rito ay hihiranging ‘Male Fighter of the Year’.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT