
Bumuslo si Jalen Brunson ng 41 points sa pagbuhat sa Dallas Mavericks sa isang intense game. Pinaturit ng Mavs ang Utah Jazz, 110-104 sa Game 2 ng NBA Playoffs West Round 1.
Bumira rin ang point guard ng 8 boards at 5 assists. Si Brunson ang humalili sa starting 5 dahil sa pagkawala ni Luka Doncic. Hindi nakalaro si Doncic dahil sa iniindang injury.
Naging katuwang naman ni Brunson si Maxi Kleber na kumana ng 25 points. Sa panig naman ng Jazz, lumagare si Donovan Mitchell ng 34 points. Habang si Bogdan Bogdanovic naman ay nag-ambag ng 25 points.
Palitan ng lamang ang dalawang teams. Ngunit, nakakaungos ng Jazz at hawak ang momentum. Pinilit humabol ng Mavs. Ngunit, naaapula ito ng Utah. Pagsapit ng 5 minutes ng 4th quarter, nakuha na ng Dallas ang momentum.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo