December 25, 2024

JAJA SANTIAGO, PINAYUHAN NG COACH NA KAGATIN ANG ALOK NA MAGING BAHAGI NG NATIONAL TEAM NG JAPAN

Pinayuhan si Pinay volleybelle Jaja Santiago ng dalawang distinguished coaches sa local volleyball sa bansa. Anila, walang problema kung tatanggapin ni Jaja ang alok na maging part ng Japanese national team.

Sa gayun ay matupad ang pangarap niyang makapaglaro sa Olympics.

“Go get it,” anila.

Ayon sa dating coach ni Santiago sa NU lady Bulldogs na si Roger Gorayeb, hindi dapat palampasin ang gayung oportunidad. Ganito rin ang advice ni coach Emil Lontoc.

Hindi lang ito ang unang beses na nakatanggap ng alok ang 25-anyos na volleybelle. Noong 2013, inalok ng University of California- Los Angeles (UCLA) si Jaja ni assistant coach Joy McKienze-Fuerbringer.

.Sa gayun ay maapaglaro siya sa Division I ng US National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Gayunman, tinanggihan ito ng 6-oot-5 volleybelle dahil ayaw niyang malayo sa kanyang pamilya. Isa pa, bata pa siya noon.

Pero ngayon, ang sabi ng kanyang dating coach na si coach Roger, kagatin na niya ang alok. Lalo na’t  markado na siya sa Japan nang magchampion ang Ageo Medics.

 “These kids have dreams. We should not stand in their way to achieve those dreams,” ani coach Roger. Na isa sa kinikilalang mentor sa local volleyball scene.

 “While she is still young, Jaja should do whatever she wants with her career. If she will not grab those chances, it’s going to be a very big loss to her career,” dugtong pa nito.