Inalok si Pinay volleybelle Jaja Santiago ng Japan na magpalit ng nationality. Ito ang rebelasyon niya sa panayam ng Volleyball DNA sa Youtube na hinohost ni Anton Roxas.
Ayon kay Jaja, kalagitnaan pa lang ng liga, kinausap na siya na magstay ng maraming taon sa Japan.Sa gayun ay makasama niya ng makapaglaro pa siya ng matagal sa Saitama Ageo Medics.
Sinusuyo siya ng Brazilian coach na si Antonio Marcos Lerbach tungkol dito. Si Lerbach ay kilalang volleyball expert. Na naghatid ng 21 gold medals sa Brazil national team.
“Ayaw ko naman din iwan yung opportunity na binibigay ng brazilian coach ng ageo. May magandang plano siya para sa akin. Gusto nila palitan yung nationality ko actually.”
“Well, may dream akong maglaro ng Olympics pero gusto ko munang tulungan ‘yung bansa natin. Doon sa goal ko na ‘yun, gusto ko kasama ko kapwa Pilipino ko,” sabi ni Jaja.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na