May pagkakataon si Jaja Santiago at ang Saitama Ageo Medics para sa fifth place. Ito’y dahil sa naitala nilang six winning streak.
Tinalo ng Ageo Medics ang Hitachi Rivale sa 4 seats 25-23, 21-25, 26-24, 25-14.
Ang laban ay para sa 5th -8th ranking round ng 2020-21 Japan V.League Division 1 women’s tournament.
Bumida ang 6-foot-5 na Filipina middle blocker sa Ageo Medic. Nagtala si Santiago ng 13 points. Pati na rin ng 4 block kills.
Nanguna naman si Shainah Joseph sa pagpalo ng 20 markers. Habang si Yuri Yoshino ay nag-ambag ng 18 points. Lahat ng ito ay pawang mga attacks.
Nagdagdag naman si Mami Uchiseto ng 15 markers. Habang si Kyoko Aoyagi ay 12 points.
Dahil sa panalo, makakatapat ang Saitama ang magwawagi sa Okayama-Hisamitsu. Ang laban ay idaraos bukas sa ganap na alas 2:30 ng hapon.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo