April 30, 2024

IVANA ALAWI SA KAPATID NA MAYSAKIT NA DIABETES; ‘ I WANT TO GIVE YOU THE BEST’

Hanggang ngayon pala ay worried si Ivana Alawi sa karamdaman ng kanyang kapatid na si Mona. Hindi akalain ng iba na sa kabila ng pagiging hyper niya at may sadness siyang itinatago.


Kaya nga, naging emosyunal siya nang mapag-usapan ang tungkol kay Mona. Hindi na naman na lingid sa madla na mayroong Type 1 diabetes ang kapatid niya.


At the age of 8, kalbaryo ang kondisyon ni Mona. Dahil nag-i-insulin na ito. May time na ang bata pa ang nagtuturok nito sa sarili niya. Kaya, naghahanap ang aktres at YouTube vlogger ng mainam na lunas sa sakit ni Mona.


Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate tama na. Ang mahal nito, ang mahal ng ganyan’. Sabi ko, ‘Mona, kaya nga ako (nagtatrabaho) because I want to give you the best’,” aniya.


Bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko,” dugtong pa nito.