May 17, 2024

‘#IT’S SHOWTIME RETURNS’ NAG-TRENDING

NAKABALIK na ang show ni Vice Ganda na ‘It’s Showtime.’ At sa kanyang pagbabalik, hindi nagawang masulot ng grupo ni Luis Manzano ang slot ng show ni Meme Vice na nagtrending pa ito bilang #It’sShowtimeReturns.

“Patunay lamang ito na hindi nahigitan ng grupo ni Luis, ang show ni Meme Vice dahil siya talaga ang nagdadala ng show at sa tulong na rin ng mga kasama ni Meme Vice kaya sila ang pinanonood ng mga televiewers.

“Hindi nga nila napataob ang ratings ng ‘Eat Bulaga’ ay nag-ilusyon pa silang sulutin ang slot ng ‘It’s Showtime.’ Buti naman at nakabalik na sina Meme Vice, kaya tameme sila ngayon,” inis at asar na chika ng aking source.