January 6, 2025

‘IT’S SHOWTIME’ LUMIPAT MUNA SA CLARK


CLARK FREEPORT – Nagtungo ang mga host at crew ng sikat na Philippine noontime variety program na “It’s Showtime rito sa nasabing Freeport matapos mapili ang lugar na lokasyon para sa live broadcast ng kanilang show.

Nagpapasalamat ang isa sa mga host na si Jose Marie Viceral na mas kilala bilang ‘Vice Ganda’ dahil sa pagtanggap ng kanilang show sa Freeport. Ieere ang kanilang live telecast sa Clark hanggang Agosto 21, 2021.

Sinabi ni Viceral na sa pamamagitan ng kanilang broadcast dito, natitiyak nila ang pagpapatuloy ng kanilang show sa gitna ng mahigpit na lockdown na ipinatutupad sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.

 “Sa madlang-Pampanga, maraming-maraming salamat po at kinupkop niyo kami panandalian, pansamantala,” saad niya.

“Pinapasok niyo kami sa inyong lugar, sa inyong tahanan, nang sa ganoon ay maituloy namin ang aming pagseserbisyo at pag-ere nang live para sa aming madlang Pipol,”dagdag niya.

Mag-i-stay din dito ang iba pang mga host kabilang sina Vhong Navarro, Jugs Jugueta, Karylle, Teddy Corpuz, Amy Perez, Ryan Bang, Kim Chiu at Ion Perez para sa pag-ere ng show sa loob ng dalawang linggo.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga host na i-explore ang iba’t ibang lokasyon sa Freeport tulad ng bike paths, Clark International Airport at iba pang lugar dito.



Samantala, binisita nina Karylle at Ryan Bang ang Clark Safari (Global Zoo) bilang bahagi ng location reveal ng show para sa pagbubukas ng programa.



Nag-top trending topic din ang ‘It’s Showtime’ sa Twitter nang pahulahaan sa ‘madlang pipol’ ang kasalukuyang lokasyon ng programa gamit ang hastag na ‘#FindingShowtime’.

Maya-maya ay kinumpirma rin ni Viceral ang lokasyon ng show sa pamamagitan ng opening minutes nito. Binerepika rin ito sa pamamagitan ng It’s Showtime’s official Twitter account kung saan nakasaad na, “Yes! #WeFoundShowtime in Clark Pampanga!”. “Naririto

po kami ngayon sa Clark, Pampanga para maituluy-tuloy namin ang pagseserbisyo sa inyo nang live dahil alam na alam namin na, lalo pa’t higit ngayong ECQ sa NCR, kailangang-kailangan namin pagaanin ang inyong kalooban,” saad niya.

Tampok din sa show ang mga magagandang tanawin sa Freeport kabilang ang Clark Museum, Clark Parade Grounds, El Kabayo Gemik Clark at New Clark City.