MARAMI ang nanabik na fans ng ABS-CBN sa muling pagbabalik ng “It’s Showtime.”
Naging emosyonal si Vice Ganda at iba pang host sa muling pagbabalik ng noontime variety program ng higanteng istasyon noong Enero 13, 2020, sa Kapamilya Channel.
Ang Kapamilya Channel ang pansamantalang kumupkop sa mga programa ng ABS-CBN habang dinidinig ang programa nito sa Kongreso.
Mahigit sa isang buwang nawala sa ere ang It’s Shotwime nang magsara ang ABS-CBN noong gabi ng Mayo 5, 2020.
Pero dahil nga isinailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila dulot ng COVID-19 ay hindi na nag-live show ang It’s Showtime.
Ilang araw ding sinubukan ng It’s Showtime na mag-live sa pamamagitan ng video call habang ang mga host nito ay nasa kani-kanilang bahay.
Sa pagbabalik ng It’s Showtime, present ang mga host nito na sina Vice Ganda, Jhong Hillario, Vhong Navarro, Karylle, Jugs at Teddy Corpuz. Naroon din si Jackie “Ate Girl” Gonzaga at ang lab na lab ni Vice Ganda na si Ion “Kuya Escort” Perez.
Habang nag-shoot ng video sa kanilang bahay sina Amy Perez at Ryan Bang. Samantalang, hindi nasilayan ang kagandahan nina Anne Curtiz at Mariel Rodriguez na wala sa episode.
Kasalukuyan kasing nasa Australia si Anne matapos nitong manganak noong Marso.
Maraming netizen ang nagpaabot ng kanilang saya sa pagbabalik ng kwelang noontime show.
Hoy we miss this show. We miss the hosts. We miss showtime. charot hahahhaha🥰 #ShowtimeMagkaisayahan pic.twitter.com/ctzm5cO5Rw
— hael🌸 (@LeahRoseEmblsdo) June 13, 2020
THEY CHANGE THE LYRICS!!!
MY HEART!!!!
This is OUR show, this is OUR time
KAPAMILYA FOREVER it’s showtime 💚💙♥️#ShowtimeMagkaiSayahan pic.twitter.com/sgxN82daMS
— 𝓐𝓵𝓿𝓲𝓷 𝓙𝓸𝓱𝓷 (@alvin_taffyedit) June 13, 2020
I’m so happy that Showtime is back again. We are so happy. My Family is so Happy too. We miss showtime hosts. I miss you ate Vice I’m happy to see you smiling. ❤❤❤#ShowtimeMagkaisayahan pic.twitter.com/nuNmmjHiFG
— hhhppp (@HP55217740) June 13, 2020
From my family to yours (Showtime family), thank you for comjng bavk into our home!!! 💙💚❤
#ShowtimeMagkaisayahan pic.twitter.com/3TfHJBZ3od
— 씬리 페이 (@BajShenEri) June 13, 2020
Mapapanood ang Showtime at iba pang show ng ABS-CBN sa bagong Kapamilya Channel na available sa SkyCable, Cable Link, GSAT at iba pang partner cable provider, gayundin sa iWant.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA