
ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si Nelson Celis bilang bagong commissioner ng Commission on Elections.
Sa liham na ipinadala sa pamamagitan ni Executive Secretary Vic Rodriguez, pormal na ibinigay kay COMELEC Chairperson George Carcia ang nomination letter para kay Celis bilang komisyuner ng poll body.
Pupunan nito ang binakanteng puwesto ni dating commissioner Aimee Neri na matatandaang na-bypass ng Commission on Appointments kasama sina Garcia, at dating chairperson Pangarungan, dahil sa kakulangan ng quorum.
Bago ang appointment ni Celis, siya ay isang lecturer sa Graduate School of Business at Graduate School of Computer Studies ng DLSU at naging kolumnista rin sa The Manila Times.
Isa rin itong IT and Management expert, at tagapagsalita ng poll watchdog coalition na Automated Election System (AES) Watch. Ang naturang grupo ay binubuo ng nasa 50 mga organisasyon na advocate ng tapat at malinis na halalan.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC