Kahit natalo noong nakaraang presidential election, hindi pa rin isinusuko ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang kanyang political aspirations.
Ayon sa source ng website na Politiko, interesado si Moreno na maging susunod na chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kasalukuyang pinamumunuan ni Romando Artes ang MMDA, na pinangalanang acting chairman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang Oktubre.
Ipinagbabawal sa Konstitusyon ang pagtatalaga sa mga kandidato na natalo sa eleksyon sa loob ng isang taon pagkatapos ng halalan.
Ayon sa source ng Politiko, naghahangad ang dating Manila mayor na magkaroon ng puwesto sa gobyerno bago tumakbong senador sa susunod na eleksyon.
Makalipas ang ilang buwan matapos ang presidential polls, naging abala si Moreno sa pagiging producer at pagho-host ng kanyang online program na “IskoVery Night.”
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI