December 28, 2024

ISKO MORENO MAY 500K SUBSCRIBERS NA SA YOUTUBE

Ipinagdiriwang ngayon ni dating Manila Mayor Isko Moreno ang panibagong tagumpay sa social media.

Nagpahayag ng kagalakan si Domagoso at pasasalamat matapos umabot sa 500,000 subscriber ang kanyang YouTube channel/

“500,000+ and counting subscribers. Akalain niyo ‘yun! Parang kelan lang nasa 100k tayo sa YouTube, ngayon kalahating milyon na!”  saad niya sa Facebook post.

Nagpapasalamat ang dating alkalde, na ngayon host sa Eat Bulaga, para sa walang hanggang suporta nang makipagsapalaran ito sa pagba-vlog.

 “Wantusawang pasasalamat sa lahat ng suporta ninyo mga rema at repa. Pangako po namin na mas papasayahin namin kayo sa aming mga susunod na vlogs sa ating YouTube account.
Paano ba ‘yan? Road to 1M na toits!”

“Sa mga hindi pa nagsusubscribe d’yan, ‘lam n’yo na! Beke nemen, click the subscribe button na!
I lab you, Iskovery Nighties!” dagdag niya.

Matapos ang kanyang termino bilang alkalde, bumalik sa kanyang kinahiligan si Domagoso – ang entertainment.  Binuhay niya muli ang kanyang YouTube page at inulunsad nito ang kanyang weekly program na “Iskovery Night.”