January 25, 2025

Isang bahagdan paakyat sa world c’ship… SUAREZ VS INDON PUG PARA SA IBF ASIAN TITLE SA VIETNAM

Si WBA Asian Boxing titlist Charly Suarez( kanan) ka-spar ang kanyang coach/ trainer Delfin Boholst.

PUSPUSAN na ang pag-eensayo ni WBA Asian titleholder Charly Suarez ng Pilipinas para sa  kanyang nalalapit na malaking laban kontra Indonesian pugilist sa Vietnam sa susunod ng buwan ng Disyembre.

Ayon sa kanyang coach/ trainer at dating international boxing veteran Delfin Boholst,halos nasa peak na ng kanyang kumprehensibong  training si Suarez kung kaya  ay lalong tumataas ang adrenaline ng Rio Olympian at handa na anumang oras o araw makabakbakan ang protagonistang  si Defry Palulu mula Indonesia.

“Charly is in top condition. Handang- handa na siya para sa Asian Championship nito ,a step away para sa kampeonato sa mundo,” pahayag ni Boholst sa panayam.

Ang Palarong Pambansa gold medalist, Southeast Asian Games multi- medalist at Olympic boxer na si Suarez ay kumumpleto ng 17  rounds ( 3- minutes each) mula sa forms, shadow boxing, mits, punching bag, sparring at stick boxing upang kumpletuhin ang kanyang routine kagabi sa kanilang binansagang ‘garage gym’ sa Bicutan, Taguig City.

“Excited na ako sa laban dahil kapag pinalad  ay halos naroon na tayo sa ating misyong  world championship,” pahayag  ni Suarez matapos ang kanyang boxing routine at workout kaensayo sina coach Boholst, Philippine Army boxing team coach Sgt. Jun Moreno, isang junior boxer at ang kanyang ama na gumagabay din sa training, conditioning at massage sa pagitan ng ensayo.

“Na- develop nang husto ang speed, power, discipline, stamina at wido ni Charly kaya sa aking sapantaha ay world champ siya within a year,” papuri naman ni AFP  boxing mentor Moreno.

Tutulak ang Team Suarez pa- Ho Chi Minh sa Disyembre 2 para sa kanyang big fight sampung araw pagdating sa Vietnam.