
Nakaalpas ang Milwaukee Bucks sa Game 5 ng NBA Finals at itinarak ang serye sa 3-2. Pabor na ang momentum sa Bucks matapos ang panalo, 123-119.
Ang laro ay idinaos sa balwarte ng Phoenix. Subalit, nasilat sila ng away team. Kaya, nami-meligro ang Suns sa kontensyon. Lalo pa’t sa home court ng Bucks gagawin ang Game 6 sa Miyerkules.
Dahil sa panalo, bitit ng Milwaukee ang kumpiyansa at isang panalo na lang para sa kampeonato. Kung mananalo sa Game 6, magka-kampeon ang Bucks makalipas ang 50 taon.
Huling nagchampion ang Milwaukee noong 1971 noong panahon nina Kareem Abdul-Jabbar at Oscar Robinson.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN