IBINULGAR ni Camarines Sur 2nd district Rep. Luis Raymund Villafuerte sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Huwebes hinggil sa maanomalyang pamimigay ni Iriga City Mayor Madelaine Alfefor ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pagdinig, iprinisenta ni Villafuerte , ang kanyang mga ebidensiyang nagpapatotoo sa kaniyang mga akusasyon laban kay Alferor habang personal na ipamimigay ng alkalde ang ayuda na mariin nitong itinanggi.
Ayon kay kongresista, minanipula ni Alferor ang pamimigay sa P70 milyong SAP. Ipinamigay umano nng mayo sa mga hindi kuwalipikadong beneficiaries ang ayuda. Kabilang na rito ang mga kamag-anak na hindi taga Iriga at mga guro ng University of Northeast Philippines (UNEP) na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Tatlo sa mga guro ng UNEP ang inanyayahan sa pagdinig ng kongreso. Dumalo rin sa nasabing pagdinig bilang resource persons ang mga opisyal ng DSWD sa pangunguna ni Secretary Rolando Batuista.
Tatlong guro ang nagbigay ng kanilang testimonya na nagsasabi na mismong ang alkalde ang nagbigay sa kanila ng cash aid na P5,000
Binigyang diin ni Villafuerte na sa kabila ng mga ebidensiya na nang-abuso si Mayor Alferor pilit pa rin ang pagtanggi nito na siya nga ay nang-abuso sa ayuda.
Itinanggi din nito ang kanyang personal na pamimigay ng mga application sa kanyanng mga kaanak.
“Ang point ko lang pumirma siya ng MOA [with the DSWD], hinandle niya ang P70-plus million, with an excuse na hindi niya nai-intindihan [ang difference between formal and informal workers],” dagdag pa niya.
Sa kabila ng mga ebidensiyang nakalap gaya ng mga larawan na nagmula mismo sa facebook ni Alferor patuloy ang pagtanggi nito sa akusasyon na ikinairita ni Villafuerte dahilan upang irekomenda nito sa komite na kasuhan ang mayor hindi lamang sa pagsisinungaling kundi pati sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Law at Bayanihan Law.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda