NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang 472 gramo ng high-grade “Kush” marijuana na may halagang P708,000, na nakalagay sa mga kahon na idineklarang “Mens Vintage Threads Jean Straight Leg Fir (30/34) Girls.”
Isinagawa ang physical examination sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police – Aviation Security Group, National Bureau of Investigation Pampanga District Office, Department of Justice at Barangay Dau officials sa Mabalacat City.
Dumating ang kargamento noong Oktubre 25, 2024, na dumaan sa X-ray Inspection Project ng BOC at nakitaan ng hindi pangkaraniwang imahe. Naamoy ng K-9 Unit na mayroong presensiya ng illegal na droga sa loob nito.
Agad na binuksan ng mga otoridad ang naturang package at tumambad sa kanila ang halos 472 na gramo ng marijuana.
Dinala ang samples sa PDEA para sa chemical analysis, na nakumpirma ang substances bilang tetrahydrocannabinol at marijuana “Kush”, na classified bilang dangerous drug sa ilalim ng R.A. No. 9165.
Samples were taken and sent to PDEA for chemical analysis, confirming the substances as tetrahydrocannabinol and marijuana (Kush), classified as a dangerous drug under R.A. No. 9165, as amended.
Samanatala, naglabas agad ng warrant to seize and detain the shipment ang BOC dahil sa paglabag sa Sections 118(g), 119(d), and 1113 paragraphs (f), (i), and (l) (3 and 4) of R.A. No. 10863, o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to R.A. No. 9165.
Bilang mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nanatiling committed ang BOC, sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio, sa paglaban sa illegal drug smuggling.
“The BOC pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders and our citizens’ well-being from the threats posed by illegal substances attempting to infiltrate our communities,” pagtitiyak ni Commissioner Rubio.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA