


NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang aabot sa $15,700 o katumbas ng P776,000 halaga ng umano’y smuggled na salapi mula sa Estados Unidos noong Biyernes.
Sa impormasyon mula sa Bureau of Customs, nadiskubre ang mga dolyar nang isailalim sa x-ray scan at physical examination ang delivery items
Nanggaling ang mga delivery sa siyudad ng Durham sa North Carolina, USA at nakatakdang ibagsak sa warehouse ng isang international courier sa Pasay City.
Hinala ng Customs, posibleng magamit sa masasamang aktibidad ang mga perang ipinuslit sa bansa.
Nangako ang tanggapan ng matinding pagbabantay para hindi makapasok sa bansa ang mga ipinagbabawal na produkto o resources.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon