January 24, 2025

Iodization Law, ipapawalang-bisa na ng Senado

INANUNSIYO ni Senator Cynthia Villar na ipapawalang-bisa na ng Senado ang batas sa iodization ng asin.

Sa Kapihan sa Manila Bay, inihayag ni Senator Cynthia Villar, pinuno ng Senate Committee on Food and Agriculture, na bago matapos ang session sa Abril 2023 ay maaari na ma-amyendahan o ma-repeal ang nasabing batas.

Pinaliwanag ng Senador na hindi kailangang mag-iodization ang bansa kundi dapat ipaubaya na lamang sa DOH ang programa sa iodization.

Ang nasabing batas aniya ang naging dahilan kaya hindi na nagpatuloy sa paggawa ng asin ang mga mag-aasin.

Pinaliwanag din ng Senadora na hindi naman dapat sisihin ang mga may-akda ng nasabing batas dahil hindi naman nila tiyak na gusto ang magiging resulta na ngayon lang nangyari.