November 24, 2024

INT’L TOURSIM INDUSTRY LEADERS NAG-TOUR SA CLARK, NEW CLARK CITY


NAG-HOST ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ang subsidiary nito, ang Clark Development Corp. (CDC),  sa international delegation ng industry leaders mula sa World Travel and Tourism Council (WWTC), ang global body na kumakatawan sa travel at tourism private sector at industries nito, sa ginanap na investment tour kahapon sa New Clark City at Clark Freeport Zone.

Ang investment tour ay ang final activity para sa mga delegado ng 21st World Travel and Tourism Council Global Summit na isiangawa sa Pilipinas mula Abril 20 hanggang 22, ang ikalawang major in-person gathering ng konseho mula noong sumiklab ang COVID-19 pandemic.

Binigyan ng presentasyon ang WTTC delegates sa bagong Clark International Airport passenger terminal at nag-tour sa Clark Freeport Zone at New Clark City, kung saan ginanap ang closing ceremony. Ang bagong Clark terminal, isang airport finalist sa 2021 Prix Versailles Architecture and Design awards, ay magbubukas ng maraming paglalakbay, negosyo at mobility sa hilaga ng Metro Manila.


Inorganisa ang naturang aktibidad ng  BCDA,  CDC,  the  Department  of  Tourism  (DoT),   Tourism Infrastructure  and  Enterprise  Zone  Authority  (TIEZA),  and  Luzon  International  Premiere Airport Development (LIPAD) Corp., BCDA’s operations at maintenance provider ng new Clark terminal.

Ang Clark at New Clark City ay ang pangunahing investment destination na ipinakita para sa mga dumalo sa summit, na kasama sa top Philippine tourist attraction tulad ng Boracay Island sa Kalan at El Nido, Palawan.


Ang BCDA, CDC at ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), isang kaanib ng BCDA Group, ay kabilang sa mga ahensya ng gobyerno naiprenesinta ang investment offerings sa mga delegado.


“We  are delighted  to  welcome  the  World  Travel  and Tourism Council delegates to the Clark Freeport Zone. Their presence provides us with an excellent opportunity to highlight the exciting tourism developments in Clark. At the same time, we hope that their visit to the Freeport will underscore Clark’s  potential  as  a  leading  business  location,  with  its  stable  investment  climate  and world-class facilities and utilities. We look forward to fostering a meaningful partnership with the members of WTTC and usher in more business opportunities and possibilities in Clark,” ayon kay
CDC  President  and  Chief  Executive  Officer  Manuel  R.  Gaerlan.