December 24, 2024

Iniwan na ang dating manager… AI-AI DELAS ALAS, UNDER GMA ARTIST CENTER NA

WALA naman daw gulo para sa komedyanteng si Ai-ai delas Alas nang iwan niya ang dati niyang manager na si Kuya Boy Abunda.

Dahil sa ngayon ay under GMA Artist Center na nga siya at pinirmahan na rin niya ang exclusive contract sa nasabing management.

Hindi na rin siya mawawalan ng magagandang proyekto sa nasabing network, dahil tiyak na maaalagaan ang career niya rito.

“Masaya ako dahil up to now ay malaki pa rin naman ang tiwala nila sa akin, mahal pa rin nila ako hanggang ngayon. Biruin mo umabot na pala kami sa 70 years, Masaya ako dahil naging parte ako ng 70 years nila. Alam niyo naman na dito ako nagsimula, dahil bahay ko na talaga ang GMA Kapuso Network ay babalik at babalikan ko itong talaga,” ayon sa Comedy Queen.

“Hindi ako nagsisi dahil ibang pag-aalaga ang ginawa nila sa aking career, kaya naman sa aking pagiging loyal sa kanila. Heto, pokus talaga ako sa mga proyektong kanilang ibinibigay sa akin. Basta makakaasa sila na, hinding-hindi ko sisirain ang maganda naming samahan at pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Sa ngayon busy kaming mag-asawa sa aming Martina’s Breads & Pastries Business,” dagdag pa niya.

“Magkatulong kami ni Gerald Sibayan, sa aming negosyo na iyan. Kamakailan nga ay naging patok ang aming Ube Cheesecake Cookies. May Cindesal & Oreo Cheesecake na rin kami na pumatok naman sa mga panlasa ng mga Pinoy. In demand din ang aming Brazo de Ube at ang nagpasikat kay Aiai na Ube Pandesal. May seller at nagde-deliver na rin kami sa Pampanga,” pagtatapos pa ni Ai-Ai delas Alas.