January 26, 2025

INCUMBENT MAYOR AGUILAR NAGHAIN NG COC SA LAS PIÑAS

Pormal na naghain si incumbent Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagnanais na muling maging Ina ng lungsod sa hinahangad nitong ikatlong termino bilang alkalde, nitong Oktubre 6,  sa tanggapan ng local Commission on Elections (Comelec) kay Comelec Officer Atty.  Jehan Marohombsar na nasa bisinidad ng Las Piñas City Hall, dakong alas-11:00 ng umaga.

Kasama ni Mayor Mel ang kanyang running mate na si incumbent Vice Mayor April Aguilar para sa kanyang ikalawang termino sa ilalim ng partidong Nacionalista Party (NP) gayundin ang kanilang team “Tuloy ang Serbisyo” na kinabibilangan nina Councilors Filemon Aguilar, Oscar Peña, Alfredo Mirando, Florante Dela Cruz, Julio Balanag at Rex Hanz Riguera ng District 1 habang sa District 2 naman sina Councilors Lord Linley Aguilar,Luis Bustamante,Danilo Hernandez,Ruben Ramos,Ignacio Sunga at Luis Fernando Riguera.

Hangad ng alkalde at bise-alkalde na ipagpatuloy ang mga magaganda at kapaki-pakinabang na programa at proyekto para sa mga Las Pineros tungo sa mas progresong lungsod ng Las Piñas.

Sa ngayon, wala pang lumulutang na matunog na pangalan ang marahil na makakatunggali ng Aguilar sa halalan sa Mayo 2022.