Nag-request ang ilang teams sa Premier Volleyball League na iurong ang petsa ng opening ng 2021 Open Conference.
Original na itinakda sa petsang May 8 ang popening ng new season. Ngunit, nakiusap ang mga team na idaos na lang ito sa katapusan ng buwan.
Sa gayun ay mas makapagprepare pa sila ng husto para sa inaugural ng conference sa newly pro league volleyball tournament.
“There are some teams are asking if we can move it a little later because there have not been competitive volleyball in over a year.”
“We are talking about it with them,” sabi PVL President Ricky Palou sa PSA Forum.
“So, what we’re now studying is whether we can hold it towards the end of May, which will give them a little bit over two months at this point in time for them to get ready for the tournament.”
Sa ngayon ay nagti-training ang mga teams sa bawat pasilidad na inaprubahan ng GAB.
Kabilang na rito ang Filoil Flying V Centre (Petro Gazz), Ronac Shaw Boulevard (Creamline, Choco Mucho, Perlas).
Gayundin ang Greenhills West (UAC, Balipure), Paco Arena (Cignal), and San Sebastian Gym (PLDT Home Fibr).
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo