Simula sa susunod na buwan ay pagbabawalan ng mag-leave ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na naka-assign sa iba’t ibang international airports sa buong bansa upang matiyak na may sapat na bilang ang immigration officers na naka-duty para pagsilbihan ang mga babiyaheng publiko ngayong papalapit na ang Christmas holiday season.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pagbabawal sa pagpa-file ng aplikasyon para sa vacation leave ng BI port personnel ay epektibo simula Disyembre 1 at matatapos hanggang Enero 15, 2021.
“We have to make sure that our immigration booths at the airports are adequately manned in anticipation of an increase in the number of international travelers who will enter and exit the country during that period,” wika ni Morente. Gayunman, sinabi niya na dahil sa pandemya ng COVID-19 inaasahan lamang ng BI na bahagyang hanggang katamtaman ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero na aalis o darating mula sa ibang bansa.
Nabanggit din ni BI chief na marami pang bansa, kabilang ang Pilipinas ang hindi pa tinatanggal ang travel restriction na ipinaiiral nang magsimula ang pandemya noong Marso.
“Thus, we are confident that the number of immigration officers currently deployed at the ports are enough to facilitate the efficient conduct of immigration formalities for arriving and departing passengers,” dagdag ni Morente.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY