December 24, 2024

IMEE: DOE, BIG 3, MAKONSENSYA NAMAN KAYO!

“KONSENSYA muna ang unahin bago ang kita o tubo ng “Big Three” oil companies sa bansa”

Ito ang mariing apela ni Senadora Imee Marcos sa Department of Energy matapos payagan ng ahensya ang Petron, Shell at Caltex na magpatupad ng pagtaas sa presyo ng langis sa gitna ng delubyong dinanas ng mga tao. 

Ngayong Martes, Nov. 16, inaasahang magpapatupad ang Big Three ng fuel price hike na tinatayang P1.10 – P1.20 per liter sa gasolina, P1.50 – P1.60 per liter sa diesel, at P1.30-P1.40 per liter sa kerosene.

Base sa impormasyon ng DOE, sumirit daw ang presyo ng langis sa international market dahil sa positibong balita hinggil sa bakuna kontra COVID-19.

Giit ni Marcos dapat munang magpatupad ang DOE ng price freeze sa mga lalawigan o mga bayan na winasak ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses para mabawasan ang kanilang paghihirap sa kasalukuyan.

Ayon pa kay Marcos, hindi pa rin ganap na nakakabangon ang mga Pinoy sa pagtama ng Covid-19 ay may panibagong dagok na naman ng oil price hike. 

Grabe na to,  mga Ka-Agila,  triple whammy na ito sa mga Pinoy. Wala na ngang bahay at walang pagkain dahil sa mga bagyo, tinamaan pa ng virus, dinadagdagan pa ng taas-presyo sa gasolina at diesel.  Nasaan ang konsensya nyo, DOE?

Kahit ang mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng krudo ay napinsala rin ng mga nagdaang bagyo. 

Gumagamit naman ng kerosene ang mga mahihirap na pamilya sa lalawigan na apektado ng kalamidad.

Aba, dapat pahingahin naman ng DoE at Big Three ang mga tao ngayong nagdarahop sa sunod sunod na kalamidad sa bansa. 
Katwiran ni Marcos, may buffer stock pa naman sa imbentaryo ang mga kumpanya ng langis sa loob ng anim na buwan na nabili nila sa mababang presyo sa pandaigidigang pamilihan. 

Sa section 14(d) ng Republic Act No. 8479 o An Act Deregulating the Downstream Oil Industry, may kapangyarihan ang DOE-DOJ Task Force na imbestigahan at kasuhan ng motu proprio ang oil companies na sangkot sa unreasonable rise of prices o overpricing ng mga produktong petrolyo sa bansa.