December 28, 2024

Imbestigasyon sa ‘palit-ulo scam’ sa isang pribadong ospital sa Valenzuela

MAITUTURING na sarado na ang imbestigasyon sa kaso ng apat na indibidwal na naging biktima ng “palit-ulo scam” sa isang pribadong ospital  sa Valenzuela City makaraang bigong mabayaran ang mga medical na bayarin ng bawat isa rito.

Sa pamamagitan ng tulong pinansyal na ipinaabot ng  ACE Medical Center, ang ospital na inirereklamo ng  illegal detention, binigyan ng tig P1 milyon  ang apat  na indibidwal na naging biktima nito.

Ito ang inihayag ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa isang press conference, sinabing ang pera ay ibinigay ng ACE Medical Center para mabigyan ng “closure” ang tinatawag na “palit-ulo scam.”

“I very much welcome the assistance na ibinigay ng ACE Medical Hospital sa ating mga biktima. Ang financial assistance na ibinigay nila last Friday  para magkaroon na rin po ng closure ang ating imbestigasyon paukol sa scam,” ayon sa alkalde.

Noong Abril, sinabi ng lokal na pamahalaan na ang mga kasong illegal detention ay isinampa laban sa pasilidad ng medika pagbayad ng kanilang mga medikal na bayarin.

Sinabi ng isang complainant na si Lovery Magtangob, na dinala sa ospital ang kanyang hipag nang makaranas siya ng pagsusuka at hirap sa paghinga noong Pebrero 22. Namatay umano ang pasyente dahil sa thyroid storm at ilang komplikasyon matapos ma-admit sa ospital at intensive care unit (ICU) sa loob ng apat na araw.

Dahil sa hindi pa settled bill  ang kanilang bill noon na nagkakahalaga ng P777,378, sinabi ni Magtangob na pinigilan siya ng isang security guard na lumabas ng ospital.

Ang isa pang nagrereklamo na si Richel Mae Pepito Alvaro, ay nagsabing pinigilan din siyang lumabas ng ospital, kahit para bumili ng pagkain, matapos mabigong bayaran ang mga bayarin sa medikal ng kanyang namatay na asawa na nagkakahalaga ng P518,519.

            “It’s been seven months na ang ating mga biktima ay nagdadaan ng psychological, emotional anguish, and anxiety po at hindi naging madali itong seven months para sa ating mga biktima at sa ating mga kababayan. Marami po silang pinagdaanan,” ayon pa kay Gatchalian.

Sa pagbanggit sa ordinansa ng lungsod sa anti-hospital detention, pinaalalahanan din niya ang mga pribadong ospital sa Valenzuela City na igalang ang karapatang pantao ng mga pasyente, lalo na ang mga mahihirap, na umaabot sa kanila para sa medikal na atensyon.

 Sa tulong pinansyal na ibinigay, sinabi ni Valenzuela City councilor Atty. Bimbo Dela Cruz na “malayang” nagpasya ang apat na biktima na bawiin ang kanilang mga reklamo laban sa pribadong ospital.

“Naayos na ho ang relasyon ng ACE Medical Hospital sa city hall. Naayos na rin ho ang relasyon nila sa apat na biktima natin. Kaya ho ‘yung apat natin na biktima, malaya at kusang loob silang umatras sa mga kaso na finile namin sa PhilHealth, DOH, Commission on Human Rights, sa piskalya,” ayon kay Dela Cruz.

Nang tanungin kung ang tulong pinansyal ay maituturing na “amicable settlement” sa pagitan ng dalawang partido, sinabi ni Dela Cruz na higit pa itong “regalo” sa mga biktima ngayong holiday season.

“Kung may regalo ang ACE Medical Center para sa mga biktima, ito ang regalo nila sa ACE,peace of mind para sa mga empleyadong naapektuhan ng kaso. Ang pinakamagandang regalong ibinibigay ngayon ay ang regalo ng hustisya.