MULING pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kaso kaugnay sa pagpatay sa isang retiradong police general na si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga.
Ayon kay Marbil, kailangang muling buksan ang imbestigasyon matapos ang testimonya ng pangunahing testigo sa pagdinig ng House of Representatives nitong nakaraan lamang.“This revelation demands a thorough reinvestigation of the murder. No one is above the law, and we will seek justice for retired general Wesley Barayuga and his family with the full resources of the PNP,” aniya.
Idinawit ni Lt. Col Santie Mendoza ng Police Drug Enforcement Group si dating PCSO general maneger Royina Garma sa pagpaslang kay Barayuga taong 2020 sa ika-pitong beses na pagdinig ng House quad committee (quadcom) noong Biyernes.
Ayon kay Mendoza, kinontak siya ni National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo noong 2019 at sinabi si Barayuga ay isang high-value target dahil sa pagkakasangkot umano nito sa illegal na droga.
Ang utos para patayin si Barayuga ay nanggaling umano kay Garma, ayon kay Mendoza na nakatalaga sa PNP deputy chief for administration noong panahong iyon. Pinagbabaril ng motorcycle-riding gunman ang sasakyan ni Barayuga sa kahabaan ng Calbayog St., Barangay Highway Hills, Mandaluyong City noong Hulyo 2020.
Inatasan ni Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group na pangunahan ang muling pag-iimbestiga, muling suriin ang mga ebidensiya at makipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya upang matiyak na ang proseso ay masinsinan, walang kinikilingan at transparent.
“We are committed to uncovering the truth, regardless of the position or power of those involved. The public can rest assured that we will hold those responsible accountable,” saad niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA