Iniimbestigahan na ng Bureau of Customs ang apat na personalidad na inakusahang sangkot sa malakihang smuggling ng agricultural products.
“At the same time, we have issued notices to the ports to be wary of the presence of these individuals, including their cohorts,” sambit ni Customs Commissioner Rey Guerrero sa ginanap na briefing sa House Committee on Ways and Means ngayong araw.
Itinanong ni Committee chairperson Joey Salceda kung nangangahulugan ito na hindi na nila magagamit ang “green lane,” isang pribilehiyo na ibinibigay sa mga low-risk na pagpapadala na hindi na kailangan para sa pagsusuri ng dokumentaryo o pisikal na inspeksyon. Sinagot naman ito ni Guerrero na oo.
Sinabi rin ng Customs chief na, “Apparently sir, wala na sila. Blacklisted na sila.”
Pinangalanan niya ang mga ito na sina Manuel Tan, Andrew Chang, Leah “Luz: Cruz at Jun Diamante.
Una nang pinangalanan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga pangalan ng mga ito sa ginanap na committee-of-the-whole hearing noong Abril 12, na sinasabing mga vegetable smugglers na kinakanlong umano ng agriculuture at customs officials.
Sinabi ni Sotto na si Tan ay nag-o-operate sa Subic, Cagayan de Oro at Batangas; Chang sa Manila International Container Port, Port of Manila, Subic at Batangas; Cruz sa MICP at CDO; at Diamante, nasa CDO din. Kinumpirma ng National Intelligence Coordinating Agency na kabilang sila sa mahigit 20 pinaghihinalaang smuggler ng agrikultura na may mga protektor sa gobyerno, ngunit bina-validate pa rin ang listahan.
Sa isang naunang panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na iniimbestigahan na ng legal department ng ahensya ang “maraming bilang” ng mga opisyal ng DA kasunod ng mga reklamong nakikipagsabwatan sila sa mga smuggler. Ang mga pangalan ng apat na sinasabing big-time smuggler ay hindi pa lumabas sa internal probe, sabi ni Dar.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na dapat kasuhan ang mga sangkot sa paglabag sa Republic Act 10845 na nagtuturing na “economic sabotage” ang large-scale agricultural smuggling.
“Mabigat po yung kaso na ‘yun, parang plunder,” saad ni Adriano. “Fina-follow up na namin sa Department of Justice ang pagpo-prosecute ng mga taong ito.”
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna