December 21, 2024

ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI

PINAIGTING ng Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) ang kanilang pagbabantay sa mga illegal na paputok bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

“For our part, we will conduct more intensified monitoring this season,” ayon kay FTEB Director Gino Mallari.

Ang pahayag ni Mallari ay tugon sa mga apela ng mga lehitimong tagagawa ng paputok para sa mas mahigpit na pagpapatupad laban sa pagbebenta ng mga pinagbabawal an paputok, na ayon sa kanila ay nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.

“We can issue cease and desist orders for the manufacturers and then I believe there is a special law enforced by the PNP (Philippine National Police) with criminal aspect for violations,” saad niya.

Tiniyak niya ang patuloy na koordinasyon sa PNP, partikular sa pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon kung saan maaaring matagpuan ang mga hindi certified firecracker.

hinikayat ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque ang mga mamimili na bumili lamang ng mga sertipikadong paputok upang matiyak ang ligtas at walang alalahaning pagdiriwang.

Ang Bureau of Philippine Standards ay naglathala ng komprehensibong listahan ng mga sertipikadong paputok sa website ng DTI.