Hinihikayat ng volleyball stars ang publiko na magpa-rehistro para sa 2022 national elections. Ito ay kaugnay sa anunsiyo ng COMELEC sa voters’ registration. Maaari pang magpa-rehistro ang mga botante hanggang September 30, 2021.
Sinabi ng ilang volleyball stars na gawin ang responsibilidad bilang isang mamamayan. Na i-exercise ang karapatan sa pagboto sa pamamagitan ng voters’ registration. Kaya, ang idinaan nila sa social media ang kanilang kampanya.
Isa sa nanguna sa charge o panawagan ay si Kim Fajardo ng F2 Logistics. Na magdaraos ng birthday sa mismong araw ng deadline ng registration.
“Ito ang tunay na #ParaSaBayan,” aniya.
“As an athlete, it is our dream to represent the country. Pero bilang Pilipino, pangarap natin ang mga lider na kaya tayong irepresenta ng may dangal, tamang prinsipyo at ginagawa ang trabaho,” dagdag ni Fajardo.
Nakipagkaisa rin sa panawagan si Mika Reyes ng DLSU Lady Spikers na kakampi ni Kim noon sa UAAP. Si Mika ay nasa Sta.Lucia Lady Realtors na naglalaro sa liga ng PVL.
“Hindi pa huli ang lahat para sa kinabukasan ng ating bayan! Your vote is your voice,” ani Mika.
Binak-apan naman ng iba pang volleybelles ang panawagan. Kabilang na rito si Ara Galang ng F2 Logistics, ex-UST Lady Tigresses Carmela Tunay. Siyempre, hindi nagpahuli si Alyssa Valdez ng Creamline Coolsmashers.
” Register to vote,” saad ni Alyssa.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2