Bumuhos man ang ulan ay hindi tumigil si Congressman Egay Erice na puntahan ang bawat kasuluk-sulukan na lugar sa Barangay 18 at 20 sa Caloocan City.
Personal kasing inihatid ni Erice ang dagdag puhunan mula sa Alan’s Sari-Sari Store Community program na nagkakahalaga na P3,500 sa pangunguna ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at naturang kongresista.
Nagpapasalamat naman ang mga may-ari ng mga sari-sari store sa dalawang kongresista sa ibinigay na dagdag puhunan.
“Malaking bagay po sa amin at sa pamilya ko po,” ayon kay aling Jennifer na isa sa sari-sari store owner.
Inilunsad ang “Allan’s Sari-Sari Store Community” program ni Cayetano at ng kanyang mga kapartido upang bigyan ang mga apektadong sari-sari store owners ng P3,500 sa gitna ng kinakaharap na pandemya.
Kung ang mga benepsiyaryo ay nagawang palaguin ang kanilang negosyop pagkatapos ng isang buwan, makatatanggap sila ng karagdagang P6,500.
Marami na ang natulungan ng nasabing programa na sari-sari store owner hindi lamang sa Caloocan kundi sa iba’t ibang lugar sa bansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA