MASAYANG ibinalita ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kahapon, na naghahanda na ang ibang bansa na luwagan ang mga paghihigpit sa mga OFW at iba pang mga dayuhang manggagawa.
“Unti-unti na pong nagluluwag ang mga travel restriction at lockdown sa iba’t ibang destination-labor countries,” ayon kay POEA administrator Bernard Olalia sa ginanap na “Laging Handa” public briefing.
Saad pa ni Olalia, indikasyon na rin ito na magbubukas na ang oportunidad para sa ating mga kababayang OFW na nawalan ng trabaho o di-kaya naman ay umuwi dahil sa coronavirus pandemic.
Halimbawa na lamang ay ang mga bansa sa Middle East na unti-unti nang lumuluwag ang paghihigpit sa mga dayuhang manggagawa, banggit ni Olalia.
“Kamakailan lang nag-anunsyo na ang Bahrain at ang KSA o Kingdom of Saudi Arabia na sila ay tatanggap na muli ng foreign workers, particularly ‘yung mga OFWs,” paliwanag niya.
Sinabi pa niya na ang mga bansang Hong Kong, Singapore at Brunei ay nag-uumpisa na ring maghanap ng skilled at domestic foreign workers.
Habang in-demand naman ngayon ang mga health workers tulad ng nurse sa Canada at United Kingdom.
“Unti-unti na rin silang tumatanggap,” saad niya.
“Sa ibang lugar, sa Cuba meron nang tinatanggap katulad ng construction workers,” dagdag pa niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY