INAPRUBAHAN ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) ang pagsasailalim sa localized community quarantine sa mga piling lugar sa Barangay Tañong, Longos, Potrero, Tugatog, at Tonsuya, simula Hulyo 16 hanggang Hulyo 30.
Isasara ang bahagi ng P. Concepcion at Tumariz sa Brgy. Tugatog; University Avenue Extension and Guava Street sa Brgy. Potrero; 1st, 2nd, 3rd, 4th Street at C4 Road sa Brgy. Tañong; Gozon Letre at Phase 1 sa Brgy. Tonsuya; at Block 14 A at Block 14 C sa Brgy. Longos, ayon sa Facebook page ng 100% Pusong Malabon.
Ipagbabawal ang paglabas ng mga residente sa kanilang tahanan sa mga naturang lugar, maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence o APOR tulad ng mga medical at healthworkers, at iba pang essential workers.
Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa Philippine National Police, barangay officials at volunteers upang masigurong masusunod ang safety protocols sa lugar at maayos na maipatutupad ang lockdown.
Mangunguna naman ang mga opisyal at kawani ng barangay para punan ang pangangailangan ng mga residenteng maaapektuhan ng localized community quarantine.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY