Pinasinayaan nina Mayor City Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Hiney Lacuna ang walk-in COVI-19 testing center sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo ngayong araw. Una nang binuksan ng alkalde ang kauna-unahang walk-in testing center para sa COVID-19 sa Ospital ng Sampaloc noong Hulyo 20. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
Mayroon na ngayong dalawang libreng walk-in COVID testing center bilang pandagdag sa dalawang drive-thru centers na inilunsad noong nakaraang linggo sa Maynila.
Ito’y matapos pangunahan ni Mayor Isko Moreno ang pagbubukas ng second walk-in test center sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center kanina, na dinaluhan nina Vice Mayor Honey Lacuna at Hospital Director Dr. Ted Martin.
Nangako si Moreno na maglalagay ng nasabing walk-in test center sa bawat pinapatakbong ospital ng lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Moreno na ang GABMMC testing center ay kayang tumanggap ng 100 indibidwal kada araw. Bukas ito mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA