Ipinagdiwang ng basketball fans lalo na ng Chicago Bulls ang ika-58 taong kaarawan ni Michael Jordan. Si Michael Jeffry ay isinilang sa Brooklyn, New York noong February 17, 1963.
Katunayan, binati ng mga fans si Jordan sa kanilang post sa social media.
“HAPPY Birthday to the GOAT!” ani ng isang fan.
Bumaha rin ng birthday greetings sa NBA Twitter. Maging ang ilang players at celebrities ay bumati rin.Patuloy pa ang pagbuhos ng greetings sa hinahangaang basketball player.
Sa loob ng mahigit 15 taon, in-established ni Jordan ang sarili. Hindi lamang bilang basketball legend. Kundi, maging world-renowed athlete.
Sumungkit ang tinaguriang ‘His Airness” ng 6 championships, 5 MVPs, 14 All-Star appearances. Gayundin ang 10 scoring titles at 11 All-NBA appearances.
Ang kanyang legasiya’t resume ay mahirap mapantayan. Hindi rin kayang malampasan.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2