Nasungkit ni World No.1 James De Los Santos ang kanyang 19th online gold medal. Nangyari ito sa kasagsagan ng bagyong Rolly. Dinaig nito si Silvio Cerone-Biogioni ng South Africa, 25.2-23.7 sa final ng e-Champions Trophy World Series #2.
Ayon sa 30-anyos na halos mabigo siyang isumite ang kanyang video entry dahil sa patuloy na sama ng panahon kahapon.
“Fatima (Hamsain) and I were both scheduled to compete in the finals (Monday). We arrived in the MKKPI dojo in Sunshine Plaza (in Taguig City) at 11:20 a.m.”
“But also given that there could be a possible brownout because of the typhoon, we had to rush home to upload our videos. And fortunately again, it was successful,” aniya.
Sa kanyang pagsalang sa final round, tinalo ni James si American Andredo Bustamante, 24.8-24.3. Samantalang ginapi naman Cerone-Biagioni si Matias Moreno Domont ng Switzerland, 24.1-23.8.
“I was happy to see that I’ve won my 19th gold, despite all this.”
“I’m happy too for my MKKPI students as they have brought home medals from their respective categories (in the same tournament),” aniya.
Samantala, wagi naman ang estudyante niyang si Hamsain ng gold sa U-15 e-kumite. Nasungkit din nito ang silver sa e-kata.
Nakasipa rin ng gold si Karen Colonia U-18 e-kata. Nakakobra naman ng silver si Julia Marcos female senior’s e-kata.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!