November 5, 2024

IKA-145 NA MALASAKIT CENTER ITINAYO SA PNP GENERAL HOSPITAL SA CAMPO CRAME

PERSONAL na sinaksihan ni Senador Bong Go ang pagbubukas ng ika 145 Malasakit Center sa bansa.

Ang Malasakit Center ay pinasinayaan ni Senador Go sa Philippine National Police General Hospital na nasa loob mismo ng Camp Crame sa lungsod Quezon.

Kasama ni Go sa pagpapasinaya ng Malasakit Center ay si Dating PNP chief at ngayo’y Undersecretary Debold Sinas ng Office of the President, Secretary Michael Loyd Dino, Chief PNP General Guillermo Eleazar.

Kasabay ng pagbukas ng Malasakit Center, namahagi rin ng personal na tulong ang Senador tulad ng face masks, face shields, bitamina at mga food packs sa 131 na mga pasyente at 801 na frontliners ng ospital.

Magbibinepisyo sa bagong Malaskit Center ay mga pasyenteng pulis, kanilang mga pamilya, pati na rin mga sibilyan.

Sa kanyang talumpati, iginiit ni Kuya Bong Go na napakahalaga para sa kanila ni Tatay Digong ang mabigyan ng maayos at tunay na tulong ang lahat ng mamamayang Filipino, lalo na pagdating sa kalusugan.

Umaasa rin siya na hindi mag-aatubiling lumapit ang ating mga kababayan sa Malasakit Center na ito upang lalong dumami pa ang matulungan ng mga programa ng gobyerno at maging mas malusog ang ating mga pulis at kababayang Filipino.