January 8, 2025

Ika-119th founding anniversary ng Navotas, kasado na

NAGHAHANDA na ang Navotas City sa isang kapana-panabik na serye ng mga aktibidad mula Enero 6 hanggang 26, 2025, na nakasentro sa temang “NavLevel Up!” – isang call to action para sa lungsod na itaas ang mga programa at serbisyo nito upang mas mapagsilbihan ang bawat Navoteño.


 “Ang ‘NavLevel Up!’ ay hindi lamang tema kundi isang panata natin na ipagpatuloy ang pag-angat ng ating lungsod. This year, we aim to further enhance the quality of life for every Navoteño by improving our programs and services in health, livelihood, education, and more.” pagbabahagi ni Mayor John Rey Tiangco.


Ang kasiyahan ay magsisimula sa Lunes, Enero 6, sa Misa ng Pasasalamat sa Navotas Sports Complex, na susundan ng isang Medical Mission at Feeding Program na pinamumunuan ng Samahang Kristiyano ng Navotas sa City Hall Grounds. Sa gabi, pagsasama-samahin ng Pistang Kristyano ang komunidad sa pamamagitan ng pananampalataya at pakikisama.


Kabilang din sa mahahalagang aktibidad sa buong lingo, ang Zumba and Health Caravan (Jan. 7, 6 AM) sa Navotas Sports Complex, Araw ng Mangingisda (Jan. 8, 8 AM) sa FARMC Compound, Stakeholders’ Day (Jan. 8, 9 AM) sa Navotas Sports Complex, Simultaneous Clean-Up Activity (Jan. 10, 6 AM) sa lahat ng barangay, Awarding of Top 20 Business and Realty Taxpayers (Jan. 10, 6 PM) sa Manila Hotel, Street Dance Competition and the launch of additional NavoConnect Sites (Jan. 11, 5 AM) sa R10, Navotas-wide Funbike (Jan. 12, 6 AM), na sisimulan sa Navotas Bus Terminal, Pangisdaan Boodlefight (Jan. 14, 10 AM) sa Navotas Fish Port at Ginuman Fest (Jan. 15, 5pm) sa Road 10.


Magho-host din ang lungsod ng mga aktibidad na nakatuon sa kabuhayan at paglago ng pananalapi, kabilang ang Mega Job Fair (Ene. 9), Financial Literacy Seminar (Ene. 13), at ang NavoBangka-Buhayan program (Ene. 15), kung saan tatanggap ang mga Navoteño fisherfolk ng bangka at lambat.


Ang pagdiriwang ay magtatapos sa isang Grand Parade sa Enero 16, na susundan ng pamamahagi ng 5 kilong bigas sa buong lungsod mula Enero 18 hanggang 26.


“NavLevel Up! reflects our commitment to innovation and continuous improvement to better the lives of Navoteño,” ani Tiangco. “We invite everyone to join us in this celebration, as we work together to make Navotas a model city of sustainability, resilience, and progress.”