November 2, 2024

IGA SWIATEK, SINIKWAT ANG ITALIAN OPEN TROPHY

Nasungkit ni Iga Swiatek ang titulo sa Italian Open. Dinaig nito si former world’s number one Karolina Pliskova ng Czech Republic sa finals ng torneo sa iskor na 6-0, 6-0.

Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Swiatek na makahabol ang 2019 Rome champ na si Pliskova.

Nakuha ng world no.15 netter mula sa Poland ang kampeonato sa loob ng 46 minutes. Gaya ng kanyang ginawa sa Roland Garros noong 2020 nang tinalo si Sofia Kenine sa finals.

Dahil sa panalo, inaasahang aakyat sa Top 10 ng rankings sa unang pagkakataon si Swiatek.

Ang Rome title ay pangatlo na ng 19-anyos na tennis player. Kabilang na rito ang Roland Garros at Adelaide. Impresibo rin ang ipinamalas nito sa finals na tumirada ng 13 points upang magwagi sa laban.

ito’y sa kabila na ipinanalo ang kanyang quarter at semifinal matches kahapon. Ito’y nahinto dahil sa umulan.

I’m really happy to win this tournament in Rome, it’s been a tough week from the beginning.”

I’m really happy I got through everything and I was really focused today, so I’m proud of myself. Now I’ve finally earned some tiramisu,” ani Swiatek.