May 16, 2024

IBA’T IBANG URI NG SANTA CLAUS AT CHRISTMAS DECORS TAMPOK SA ISANG MUSEO SA ANTIPOLO CITY

Abalang-abala ang isang worker sa pagsasaayos ng iba’t ibang uri ng Santa Claus statue at Christmas decoration sa Casa Santa Museum, ang unang Christmas themed museum sa Pilipinas, sa Brgy. San Jose sa Antipolo City. Tampok sa nasabing museo ang mahigit sa 3,700 items na may Christmas at Santa Claus themes at motifs na nanggaling pa mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.