NASABAT ng pulisya ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isang tulak ng droga na itinutring bilang High Value Individual (HVI) matapos madakma sa buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Sandy”, 41, ng Brgy. Ugong ng lungsod.
Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos magpositibo ang nakatanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu sa kanilang lugar at kalapit na barangay.
Isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P8,500 halaga ng shabu.
Nang matanggap ang sinyas mula sa kanyang kasama na umaktong poseur-buyer na hudyat na nakabili na ito ng droga sa kanilang target, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang suspek dakong alas-5:55 ng umaga sa Kabatuhan St., Brgy. Mapulang Lupa.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong P1,000 boodle money, P200 recovered money at coin purse.Ani PMSg Carlito Nerit Jr, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang mga operatiba sa kanilang propesyonalismo, dedikasyon, at pambihirang pagganap sa operasyong ito.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL