SWAK sa selda ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Buboy”, 56, taxi driver ng Obando, Bulacan.
Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enfortcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas Buboy.
Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek dakong alas-7:10 ng Miyerkules ng umaga sa Kabeang Imo St., Brgy. Balangkas.
Nakumpiska sa suspek ang humgi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, cellphone at coin purse.
Ani SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drug) under Article II of RA 9165 ang isasampa nila sa suspek sa Piskalya ng Valenzuela City.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA